Ang sakit na tulo o gonorrhoea ay sexually transmitted disease (STD) o sakit na naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik o nahahawa sa isa na may sakit nito. Nakapagdudulot nito ng impeksiyon sa ari, puwet at lalamunan. Ang
sakit na tulo ay komon sa mga taong iba-iba ang seksuwal na kapareha, pati na rin sa mga kabataan na may edad 15 hanggang 24 taong gulang na aktibo sa pakikipagsekso.
Mahahawaan ka ng sakit na tulo o gonorrhoea sa pamamagitan ng pakikipag-sex gamit ang inyong mga ari,
puwet at bibig o oral sex kasama ang isang tao na may sakit nito. Ang babaeng nagbubuntis na may sakit na tulo ay maaaring maimpeksiyon ang kanyang dinadalang sanggol at maaaring mabulag ang bata pagkapanganak
nito kung di maagapan, sapagkat ang tulo ay naisasalin sa pamamagitan ng kontaminadong fluid o likido ng katawan, partikular sa may puwerta ng babae.
Ang tanging paraan lamang upang lubos na maiiwasan ang sakit na tulo, ay ang hindi pakikipagtalik sa kahit
anong paraan: gamit ang inyong ari, puwet o bibig.
Kung ikaw ay aktibo sa pakikipagtalik, maari mong gawin ang mga sumusunod upang mapaliit ang tiyansa na
magkaroon ng tulo:
Sinumang tao na aktibo sa hindi protektadong pakikipag-sex sa pamamagitan ng ari, puwet o bibig ay
malaki ang purohan na magkakaroon ka ng sakit na tulo.
Kung ikaw ay aktibo sa pakikipagsekso, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong pinagkakatiwalaang doktor o
isang dalubhasa sa kalusogan at tanungin kuat kinakailangan ka bang suriin kung may impeksiyon ka ba sa tulo o iba pang STD. Kung ikaw ay lalaki na aktibo sa pakikipagtalik, bakla, bisexual, o nakikipagtalik sa mga lalaki, kinakailangan mong magpasuri kada taon. Kung ikaw ay babae na aktibo sa pakikipagtalik at wala ka pang 25 anyos o mas
matanda at may risgo na magkakaroon ng ibat-ibang seksuwal na kapareha na maaring may sakit o STD, kinakailangan na magpasuri ka sa doktor kada taon.
Kung ikaw ay kasalukuyang nagbubuntis at nasuri na may tulo, makakaroon ng impeksiyon ang bata sa panahon
ng kapanganakan nito. Maaaring maging sanhi ito ng seryosong problema sa kalusogan ng sanngol. Kaya kung ikaw ay buntis, importante na ikaw ay makipag-usap sa doktor upang ikaw ay mabigyan ng tamang pag-eksamin, pagtesting, at paglunas kung kinakailangan. Ang agarang paglunas sa sakit na tulo ay paraan upang maiwasan ang anumang
komplikasyon sa iyong ipapanganak na sanggol.
Paano ko malalaman, o Ano ang mga sintomas na mayroon akong gonorrhoea o tulo?
Ang ibang lalake na may gonorrhoea ay maaaring walang maramdamang sintomas. Ang iba naman na may sintomas
ay nagkakaroon ng:
Ang mga babae naman na may impeksiyon ng tulo ay karaniwan na walang mga sintomas. Kahit mayroong mga
sintomas, ito ay hindi masyadong matindi, at madalas napagkakamalang simpleng impeksiyon lang sa puwerta, kaya kadalasang napapabayaan. Ang mga babaeng may impeksiyon sa tulo ay nanganganib na magkaroon ng
seryosong mga komplikasyon na dulot nito kahit walang nakitang mga sintomas.