Sintomas ng Tulo
Ang mga sintomas sa mga kababaihan ay kabilang ang mga sumusunod:
- Mahapdi at mainit na pakiramdam kapag umiihi;
- Madami sa karaniwan na vaginal discharge o likido na lumalabas sa puwerta;
- Vaginal bleeding o Ikaw ay nagdurugo kahit hindi mo naman panahon ng regla
- Masakit na puson at balakang
- Ikaw ay nagdurugo matapos na makipagtalik
- Pamamaga ng pwerta
- Pananakit ng lalamunan kung ikaw ay nakikipag-oral sex
- Pangangati ng puwet, pamamaga, pamumula, pagdurugo, at sumasakit kapag nagbabawas, ay parehong mga sintomas din sa mba babae at lalaki
Kinakailangan agad na magpa-eksamin sa iyong doktor kung napansin mo ang mgasintomas na nabanggit, o ang iyong partner ay may STD o nagkaroon ngganong mga sintoma, kagaya ng di-karaniwang pamamaga, may amoy nalikidong lumalabas sa ari, mahapding pag-ihi o pagdurugo kahit hindikabuwanang dalaw o regla.